Dear Kuya Lloydie,
hi kuya lloydie, call me proserfina. im hesitating to email you because you’re kinda rough and kinda mean when giving advise. but i think a little bit of that is what i need.
i have a boyfriend, we’ve been together for 7 months. we’re comfortable at each other but still, there are things that i cant say to him.
itatagalog kona diko na kaya. kasi pitong buwan ko na din tinitiis yo eh, ang langhapin ang di kbanguhan o may kabahuan nyang hininga. hindi naman ganun katindi, feeling ko dahil un grade school pa sya huling nagpalinis ng ngipin at ngttrabaho na sya ngaun. hindi ko alam kung pno ko sasabhin s knya un. bka kasi msaktan sya. ilang bses ko n syang bnbgyan ng mouthwash, toothpaste at GIFT CERTIFICATE ng free cleaning sa dentsta pero ndi naman nya gngamit :l please help me mahal ko sya at kaya ko namang pagtiisan ang breath nya pero pano pg sa ibang tao na ayoko mapahiya sya. sna kua lloydie wag mo balahurain ang letter at ang kpantasan ng bf ko. salmat! more powers as in mdming powers to you.
love,
proserfina.
* * *
Dear Proserfina,
Salamat sa iyong pagliham at salamat dahil di ka nagpanggap na inglesera ka. Una, gusto kong sabihin sa iyo na naaawa ako sa araw-araw na pagtitiis mo sa paglanghap ng hininga ng nobyo mo. Tunay ngang pag-ibig yan dahil di mo alintana ang polusyon sa hangin na pinapasingaw niya tuwing magkasama kayo.
May mga ilan akong naisip na paraan para masolusyunan ang problema mo:
1. Wag ka magtoothbrush pag magkikita kayo. Pinakamainam na magkita kayo sa umaga na kagigising mo pa lang at panis pa ang laway mo. Makipag-usap ka sa kanya ng sobrang lapit na tila ba sineseduce mo siya. Itapat mo talaga ang bibig mo sa ilong niya. Sigurado di din magiging maganda ang pakiramdam niya. Pag sinabihan ka niya tungkol dito, sagutin mo siya agad na “the feeling is mutual baby. sabay tayo sa dentista ha.
“
2. bumili ka ng gas mask. pag tinanong niya kung bakit mo suot yan, sabihin mo na tatanggalin mo lang yun kapag nagpunta siya sa dentista. medyo brusko ang approach na ito.
3. Mag-usap kayo sa tabi ng basurahan. Yung basurahan na naulanan at 2 araw nang di nakukuha ng trak ng basura. maiimmune na ang ilong mo sa baho kaya di mo na maaamoy ang sa nobyo mo.
4. Habang nagsasalita siya, sabihin mo bigla na “Hulaan ko ulam mo kanina, tae?”
Ilan lang yan sa mga pwede mo gawin. Pero ang pinakaepektibo ay ang sabihin mo sa kanya ng direcho ang katotohanan. Wala na masyadong sugarcoating, pero wag din naman bastos. Pwede mo sabihin na, hon, try mo pumunta sa dentista kasi nakakaloka ang hininga mo amoy, jebakers! Joke. Wag yan ang sabihin mo. Sabihin mo lang na tingin mo kailangan niya magpadentista kasi mejo may amoy ang hininga niya. para kamo sa kanya ito para pag may kausap siyang ibang tao, hindi siya mapapahiya. Mahal mo kamo siya at para sa kanya ang sinabi mo. Iassure mo din siya na hindi ka naturn-off, at mahal mo padin siya at handa ka padin halikan siya. Mas matagal pa kamo ang halikan pag mabango na ang breath niya. yey!
Sana ay nakatulong ang aking munting payo.
Nagmamahal,
Kuya Lloydie